Pages

Tuesday, March 31, 2015

Life is a Matter of Choice

Hi ako po si Jayson Briones, 25 years old. High school graduate po hindi nakapag koliheyo dahil sa kakulangan sa financial. 17 years old ako ng magstart akong mgtrabaho 25 na ako ngaun ibig sabihin 8 years na ako a pagiging empleyado sa walong taon na yon ibat-ibang klasing trabaho na at ng napasukan ko December 2012 ng maregular ako sa kompanyang pinapasukan ko bilang isang machine operator. Regular sa  trabaho ibig sabihin habang buhay na pagiging empleyado, habang buhay na pagiging abala at walang oras sa pamilya sa bagay wala pa naman akong asawa at anak. Pero 25 na ako ibig sabihin malapit na. Ang gusto ko pag may sarili na akong pamilya gusto lagi ko silang kasama. Pero kaya mangyayari yon sa tulad kong empleyado na nag-uubos ng 12 hanggang 13 oras sa trabaho ko mahigit kalahati ng panahon ko nasa trabaho. Sabagay kong anong nangyayari akin ngayon at kung  anong buhay meron ako ngayon resulta yon ng mga naging desisyon ko noon. Pero di ba nga nilikha tau ng Diyos laging may pagpipilian at pinili kong magbago ng deriksyon at iimprove ang sarili ko hindi ito ng mga New Years Resulotion itong pinili ko ito siguradong gagawin ko ito. Dahil gusto kong magbago ang buhay ko at ng pamilya ko.